Home NATIONWIDE Kauna-unahang babaeng prefect itinalaga ni Pope Francis

Kauna-unahang babaeng prefect itinalaga ni Pope Francis

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Francis si Sister Simona Brambilla, hanggang ngayon ay Kalihim ng parehong institusyon, bilang Prefect of the Dicastery for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life, sinabi ng Vatican noong Lunes.

Si Sister Brambilla rin ang kauna-unahang babaeng prefect ng Simbahang Katoliko.

Siya ay namuno sa sangay ng kababaihan ng Consolata Missionaries mula 2011 hanggang 2023 nang siya ay naging kalihim ng dicastery.

Siya na ngayon ang babae na my pinakamatas na ranggo sa Roman Curiasa edad na 59.

Ipinanganak siya sa Monza noong Marso 27, 1965. Pagkatapos makakuha ng diploma bilang propesyonal na nars noong 1986, noong 1988 ay pumasok siya sa Institute of the Consolata Missionary Sisters, kung saan noong 1991 ginawa niya ang kanyang unang propesyon sa relihiyon.

Noong 1998 nakakuha siya ng Licentiate in Psychology mula sa Institute of Psychology ng Pontifical Gregorian University. Nagpunta rin siya sa Mozambique noong 1999 at nagtrabaho siya sa youth ministry sa Macua Xirima Study Center sa Maua.

Naging professor sa Institute of Psychology of the POntifical Gregorian University mula 2022 hanggang 2006 at nahalal na Superior General ng Institute of the Consolata Missionary Sisters at muling nahalal noong 2017 hanggang May 2023.

Simula 2019 naging miyembro siya ng Dicastery for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life.Simula ngayon siya na ang prefect nito.

Unang nagtalaga ang Santo Papa ng pitong pitong kababaihan bilang miyembro ng Dicastery for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life noong Huluo 8,2019.

Nang maglaon, unang napili si Sister Brambilla bilang Kalihim ng Dicastery at ngayon bilang prefect.

Mula nang magsimula ang pagiging papa ni Pope Francis, tumaas ang presensya ng mga kababaihan sa Vatican, sabi ng Vatican News. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)