Home HEALTH Kauna-unahang pills vs postpartum depression inaprubahan ng US FDA

Kauna-unahang pills vs postpartum depression inaprubahan ng US FDA

UNITED STATES – Inaprubahan na ng United States Food and Drug Administration (US FDA) ang kauna-unahang pills para gamutin ang severe depression matapos ang panganganak.

Ang naturang kondisyon ay nakaaapekto sa libo-libong bagong ina sa United States taon-taon.

Nitong Biyernes, Agosto 4, inaprubahan ng FDA ang Zurzuvae, isang gamot para sa mga ina na nakararanas ng severe depression na may kaugnayan sa panganganak o pagbubuntis.

Ang pill ay kailangang inumin isang beses kada araw sa loob ng 14 na araw.

“Having access to an oral medication will be a beneficial option for many of these women coping with extreme, and sometimes life-threatening, feelings,” pahayag ni Dr. Tiffany Farchione, director of psychiatric drugs ng FDA.

Tinatayang aabot sa 400,000 katao ang nakararanas ng postpartum depression taon-taon, kung saan ang ilan ay kusa namang nawawala sa loob ng ilang linggo ngunit posible ring tumagal ang depresyon ng ilang buwan o kahit taon pa.

Ang karaniwang paraan ng paggamot dito ay sa pamamagitan ng counseling, at pag-inom ng antidepressants.

Mula sa Sage Therapeutics ang bagong gamot sa postpartum depression.

Ang pag-apruba rito ay batay sa pag-aaral ng dalawang kompanya na nagpapakitang ang mga babaeng uminom ng Zurzuvae ay nakapagpakita ng kaunting senyales ng depresyon sa loob ng four- to six-week period kumpara sa mga nakatanggap ng dummy bill.

Ani Dr. Kimberly Yonkers ng Yale University, malakas ang epekto ng Zurzuvae at dapat na ibigay lamang sa mga babae na pwede sa antidepressants.

Ayon kay Yonkers, dapat na iobliga pa rin ng FDA ang Sage na magpas ng follow-up data kung ano na ang mangyayari sa mga babae sa mga karagdagang buwan.

“The problem is we don’t know what happens after 45 days,” sinabi pa niya.

Si Yonkers ay isang psychiatrist na tumututok sa postpartum depression.

“It could be that people are well or it could be that they relapse.”

Hindi pa inaanunsyo ng Sage kung magkano aabutin ang pill. RNT/JGC

Previous articlePangangailangan sa Food Stamp Program napatunayan sa SWS survey – DSWD
Next article5 NPA, 1 MILF arestado sa Sultan Kudarat