KALINGA-Swak sa kulungan ang isang 45-anyos na lalaki matapos na maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng PDEA CAR-Kalinga Provincial Office sa Brgy. Bulo, Tabuk City ng lalawigang nitong Linggo ng gabi, Agoston 11.
Sa inilabas na inisyal report ng PDEA CAR, ang suspek ay residente ng Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga, may asawa.
Nakakumpiska ang mga otoridad ng 83 piraso ng bulto-bultong (brick form) marijuana dried leaves mula sa naturang buy-bust operation matapos umanong magkasundo sa halagang P195,000.
Tinatayang tumitimbang ng 83,000 gramo at may DDB value na Php 9,960,000 ang nakumpiskang marijuana.
Tagumpay na naisagawa ng PDEA CAR-Kalinga Provincial Office ang anti-illegal drugs buy-bust operation laban sa suspek sa tulong ng mga support units: PDEA RO2-Quirino Provincial Office; Regional Intelligence Division, PROCOR; Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit; Provincial Intelligence Team/Regional Intelligence Unit 14; Tabuk City Police Station, at 1503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battaion 15.
Bukod sa drug evidence, may nakuha rin ang mga operatiba na non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng suspek. Rolando S. Gamoso