Home METRO Kelot arestado sa Candon City buy-bust ops

Kelot arestado sa Candon City buy-bust ops

ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Paras, Candon City ng lalawigang ito kagabi, Hunyo 12.

Ang 38-anyos na suspek ay walang asawa, residente ng Sta. Maria, Ilocos Sur.

Bandang 11:08 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng mga personnel ng Candon City Police Station (lead unit) kasama ang mga personnel mula sa ISPDEU, ISPIU, at 2nd ISPMFC in coordination with PDEA RO1.

Nakakumpiska ang mga otoridad sa naturang buy-bust operation ng limang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang sa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P27,200.

Narekober din ang ginamit na buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rolando S. Gamoso