Home METRO Kelot na bibili ng sigarilyo, patay

Kelot na bibili ng sigarilyo, patay

124
0

COTABATO-PATAY ang isang kelot na bibili sana ng sigarilyo matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo, kahapon ng madaling-araw, Oktubre 14 sa bayan ng Midsayap.

Kinilala ang biktimang si Kent Silverio, alyas Bobet, 24, at residente ng Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato.

Batay sa report ng Midsayap Municipal Police Station, naganap ang insidente madaling ng Lunes Oktubre 14, sa bahagi ng crossing Roundball, Poblacion 8, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, patungo ang biktima sa tindahan para sana bumili ng sigarilyo ng makasalubong nito ang Suzuki Raider at nagsalpukan.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima sa sementadong kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Dinala naman sa ospital ang driver ng Suzuki raider para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here