MANILA, Philippines – Pumanaw ang 22-anyos na si Pao-Pao noong Abril 21 sa Bacolod City matapos umanong bugbugin ng dalawang kamag-anak na nag-akusa sa kanya ng pagnanakaw ng damit.
Nangyari ang insidente noong Abril 20 sa Barangay Bata.
Ayon kay Police Capt. Rondyl Tapang, ang mga suspek ay sina Jessa, 24, live-in partner ng tiyo ng biktima, at ang 17-anyos niyang kapatid.
Ayon sa ulat, ginamit ang brass knuckle sa pananakit na maaaring naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Nadala pa sa ospital si Pao-Pao ngunit binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala.
Naaresto ang mga suspek kinabukasan.
Nakakulong na si Jessa sa Police Station 3 habang nasa pangangalaga naman ng Social Development Center ang kapatid niyang menor de edad.
Kasalukuyang inihahanda ang kasong homicide laban sa kanila. RNT