Home METRO Kelot na ‘sabog’ timbog sa tobats, boga

Kelot na ‘sabog’ timbog sa tobats, boga

1
0

BATAAN – Arestado ang 47-anyos na negosyante at baker na si alyas “Paeng” matapos umanong magwala habang nasa impluwensiya ng ilegal na droga nang abutan ng mga barangay official at pulis na rumesponde at makumpiskahan ng hinihinalang shabu at baril habang nagsisigaw ito na tila wala sa kanyang sarili sa harap mismo ng kanyang pag-aaring panaderya/bakery sa Barangay Sta. Isabel, Dinalupihan.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang barangay hinggil sa isang lalaking may sasakyan na nagwawala at nagsisigaw daw at hinahanap ang kanyang asawa sa harap ng isang establisimiyento.

Natakot umano ang mga naroon dahil sa pagsisigaw at pagbabanta ng suspek na armado pala ng baril.

Agad na humingi ng responde ang barangay sa mga awtoridad na tiyempong nagpapatrulya malapit sa lugar.

Kinausap ng mga awtoridad ang suspek (negotiate) na lango pa umano sa impluwensiya ng ipinagbabawal na droga hanggang sa makumbinsi itong huminahon, kaya naaresto ng mga pulis at nakuha ang dala nitong sling bag.

Nang tingnan at mailabas ang laman ng bag, dito tumambad ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at baril na kargado ng bala.

Nakumpiska sa suspek ang mahigit tatlong (3) gramo ng suspected shabu na may standard drug price na higit P25,000 at isang cal. .45 na baril (licensed) na loaded ng bala, mga ID/Gun License/LTOPF at permit to carry firearms, at nagkalat na mga bala ng baril sa loob ng sasakyan ng suspek.

Nang tanungin kung bakit siya nagwawala, hinahanap daw niya ang kanyang asawa na nakatampuhan niya. Wala ring gatol ang suspek na aminadong gumamit ng shabu bago ito magwala.

May binabanggit pa ang suspek na mga taong nagbigay daw sa kanya ng shabu.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong Scandal and Alarm at paglabag sa Dangerous Drug Law.

(ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here