Home NATIONWIDE Dumaraming school threats, ikinaalarma ng solon; inter-agency, pinabubuo

Dumaraming school threats, ikinaalarma ng solon; inter-agency, pinabubuo

1
0

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagka-alarma ang isang kongresista na ang lumalalang pananakot sa mga paaralan ay hindi na kontrolado ng iisang tanggapan gaya ng Department of Education.

Kumbinsido si Agusan Del Norte Rep. Dale Corvera na ang mga nagaganap na karahasan sa mga paaralan ay nagmula sa iba’t ibang kadahilanan at hindi lamang bunga ng paglalaro ng Roblox o  bullying  o sa tinatawag na online radicalization, kungdi maging ng security, mental health, at tamang pagdidisiplina sa mga estudyante.

Dahil dito isinusulong ng mambabatas na magkaroon na ng inter-agency action at hindi lamang ang DepEd ang gumalaw aniya sa usaping ito.

“What happened in Zamboanga and Tacloban are also happening in other parts of the world, and it has been alarming to see the number of violent incidents in schools increase drastically, from stabbings to shootings to bomb threats, and these must end, once and for all.”

Hinikayat ni Corvera, miembro ng House Committee on Basic Education and Culture ang gobyerno na na harapin ang krisis salalong madaling panahon upang hindi na ito masundan.

Ayon sa mambabatas dapat ng magsama-sama ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng PNP, DOH, DILG, at DepEd bilang lead agency upang makapagbalangkas ng panuntunan at hindi magkaroon ng pagkakataon ang karahasan sa mga paaralan. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here