Home METRO Kelot na tulog ‘di na nagising sa baril ng kainuman

Kelot na tulog ‘di na nagising sa baril ng kainuman

ILOCOS SUR-Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos tamaan ng bala ng baril sa Brgy. Aluling, Cervantes ng lalawigang ito kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Bandang 4:30 kaninang madaling araw nang makatanggap ang Cervantes Municipal Police Station ng tawag mula sa Bessang Pass Memorial Hospital tungkol sa isang lalaking dinala roon na biktima ng shooting incident.

Idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Omar Abdul Sawey, walang asawa, laborer, residente ng naturang lugar.

Kinilala ang suspek na si Aris Ladiong Yang-I, 19, walang asawa, laborer, kalugar ng biktima.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay natutulog na umano matapos itong makipag-inuman sa suspek at sa isa nilang kasama na nakilalang si Dante Lacwayan nang tamaan ng bala ng baril.

Sinilip umano ng suspek ang baril na nasa loob ng kanyang sling bag nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo at tinamaan ang biktima.

Boluntaryong sumuko ang suspek sa mga rumespondeng miyembro ng Cervantes MPS.

Isinuko nito ang cal. 45 na may isang magazine at tatlong live ammos. Rolando S. Gamoso