Home METRO Kelot nalunod sa araw ng Pasko

Kelot nalunod sa araw ng Pasko

LUCENA CITY- Nalunod ang isang 28-anyos na lalaki nitong araw ng Pasko sa isang ilog sa Sierra Madre mountain ranges sa General Nakar sa Quezon.

Iniulat ng Quezon police nitong Huwebes na si “Noriel”, residente ng lokalidad, ay naglalangoy upang tawirin ang Agos River nang tangayin ito ng rumaragasang tubig sa Barangay Banglos dakong alas-8 ng umaga nitong Miyerkules.

Narekober ang kanyang katawan dakong alas-9 ng umaga kinabukasan sa kalapit na bayan ng Infanta, batay sa mga pulis.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis. Sa ngayon, tinukoy ang kaso bilang “drowning incident.”

Nitong Miyerkules, nakaranas ng malakas na pag-ulan ang General Nakar dahil sa shear lines. RNT/SA