LUCENA CITY- Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang isa nitong araw ngf Pasko matapos bumangga ang kanilang sasakyan sa nakaparadang truck sa bayan ng San Narciso sa lalawigan ng Quezon, ayon sa mga pulis.
Tinatahak ng rider na si “Leonard,”19, at kanyang angkas na si “Chen-Chen,” 17, ang national road nang bumangga ang kanilang sasakyan sa nakaparadang truck sa Barangay San Juan ng alas-7:10 ng gabi, ayon sa Quezon police nitong Huwebes.
Dahil sa malakas na bangga, nagtamo ang dalawang rider ng grave injuries at dinala sa lokal na ospital, subalit nasawi si Leonard habang patungo roon.
Hindi tinukoy sa ulat kung ang walang sakay na truck at kung may early warning device upang ialarma ang mga papalapit na sasakyan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis. RNT/SA