Home NATIONWIDE PSA: Live births sa Pinas bahagyang bumaba noong 2023 

PSA: Live births sa Pinas bahagyang bumaba noong 2023 

MANILA, Philippines- Bahagyang bumaba ang kabuuang bilang ng registered live births noong 2023 sa tinatayang 1,448,000, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nakapagtala ang PSA ng 1,448,522 live births noong nakaraang taon, mas mababa ng 0.5 porsyento mula sa 1,455,393 registered live births noong 2022.

Binanggit ng ahensya na natanggap ang birth registrations mula sa provincial statistical offices hanggang noong August 31, 2024. RNT/SA