MANILA, Philippines- Magiging bahagi si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng legal team ni Vice President Sara Duterte sa tatlong impeachment cases na inihain laban sa kanya sa House of Representatives, aniya nitong Pasko, Disyembre 25.
Sa media interview sa tradisyunal na “Pahalipay sa Pasko” ng kanilang pamilya, inilahad niya ang planong pagsama ng kanyang ama sa kanyang legal team.
“Sabi niya na, since hindi ko tatanggapin iyong pera, mag-lawyer siya para sa akin. So sinabi niya, he will be a collaborating counsel for all cases,” pahayag niya habang nasa Davao City.
“He’ll be one of the lawyers for all of the cases, and he is preparing his documents ngayon sa IBP (Integrated Bar of the Philippines),” dagdag ng Bise Presidente.
Nahaharap si Duterte sa tatlong impeachment complaints.
“Well, I’m confident that I did not break any law. I did not do anything illegal,” giit ng opisyal. RNT/SA