Home METRO Kelot tinarakan ng pinagmumurang ate

Kelot tinarakan ng pinagmumurang ate

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ng kanyang ate sa gitna ng pagtatalo, sa Caloocan City Linggo ng gabi.

Nakaratay pa rin sa ospital ang biktimang si “Pulong,” 36, habang ibinalibag na sa selda at nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si “Sara,” 49, kapwa ng lungsod.

Naganap ang insidente sa Barangay, 176, North Caloocan, kung saan inabot sa loob ng bahay ng mga rescue workers ang biktima na may saksak sa balikat at itinakbo sa ospital.

Nabatid, malimit na mag-away at pinagmumura umano ng biktima ang suspek, hanggang sa umusok ang bumbunan ng huli at tinarakan ang una.

Hindi naman itinanggi ni Sara ang kanyang ginawa ngunit idinahilang self defense umano ito dahil sinaktan siya ni Pulong, at dahil siya ay babae.

“Parang minura na din niya ang mga magulang namin,” palki ni Sara. Merly Iral

Previous articleNanay binitay ng anak na may problema sa pag-iisip?
Next articlePag-atake sa MSU kinondena ng senador