Home METRO Nanay binitay ng anak na may problema sa pag-iisip?

Nanay binitay ng anak na may problema sa pag-iisip?

NEGROS OCCIDENTAL-MAY tali sa leeg ng plastic straw ng matagpuan ang bangkay ng isang ina sa loob ng kanyang kwarto, Sabado sa bayan ng La Castellana.

Kinilala ang nasawi Mercelita Fernando, 68-anyos at residente ng Sitio Odiong Barangay Camandag, La Castellana, Negros Occidental.

Dinakip naman ng mga awtoridad ang 37-anyos na anak na lalaking suspek na hindi pinangalanan na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Batay sa report ng La Castellana Police Station, bandang 9:40 AM ng matagpuan ang biktima ng kanyang apo na walang buhay sa kuwarto nito at may tali sa leeg.

Nabatid, na noong Nobyembre 27, 2023, inilibing ang asawa ng biktima at doon na umano siyang nagsimulang bugbugin ng suspek.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung ang anak ng biktima ang sumakal gamit ang plastic straw na naging sanhi ng kamatayan nito./Mary Anne Sapico 

Previous articleWPS position ng Pinas posibleng nagtulak sa Tsina sa pagbitay sa 2 Pinoy – analyst
Next articleKelot tinarakan ng pinagmumurang ate