MANILA, Philippines – Isang 49-anyos na lalaki malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay nang nagtalo dahil sa panabong Dasmarinas City, Cavite.
Idinala sa ospital ang biktima na si alyas Jonathan, may-asawa, residente ng Brgy. Salawag, ng nasabing lugar.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas Marionito, ka-barangay ng biktima na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa report, bandang alas-9:30 kamakalawa ng umaga nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek kaugnay sa 25 piraso na mga panabong na manok.
Ilang sandali lamang ay umuwi ang suspek subalit bumalik ito na may bitbit na matulis na bagay na linggid sa kaalaman ng biktima hanggang sa dito na inundayan na nang saksak ang biktima
Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspek at kasalukuyang tinutugun ngayon ng pulisya. Margie Bautista