Manila, Philippines- Ewan kung ikinagalak ni Ken Chan ang ginawang pagbati sa kanya ng happy birthday ng kanyang dating business partner.
Sa Instagram Story ni Mark Wei, hindi nito nakaligtaang itawid ang kanyang sinserong (?) pagbati sa Kapuso actor ng happy birthday.
Ang still missing in action na actor who’s facing large scale estafa celebrated his birthday last January 17.
Post ni Mark na aakalain n’yong bukal sa puso: “Happy birthday, Ken Chan. Ang wish ko sa iyo ay sana lumabas ka na at sabihin mo ang totoo para sa peace ng lahat. Para matapos na ‘to…”
Pero mas matindi ang huling linya ni Mark: “You can run for now but you can’t hide forever!”
To this day, Ken hasn’t turned himself in.
Ang noo’y napabalitang handa siya to face the music claiming na wala siyang pananagutan ay nakabitin pa rin sa ere.
May kinalaman sa mga in-invest ng kanyang mga business partners ang hinahabol ng mga ito kay Ken.
Sayang dahil nabalitang meron siyang itinayong thriving business–specifically resto na nag-fold up.
Sa ngayon din ay walang lead tungkol sa whereabouts ni Ken.
Iba-iba ang impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan.
May mga nagsasabing nasa Amerika siya, still others insist na somewhere in Asia lang siya.
Ang pinakahuli ay nasa Mindanao lang daw siya at nagtatago doon.
For sure, his last birthday–given the situation he’s caught up in–wasn’t exactly happy.
Ang tanong–tumalima kaya si Ken sa pakiusap ni Mark na lumantad na para sa kapayapaan ng lahat? Ronnie Carrasco III