MANILA, Philippines – Dumating si Kieffer Alas sa headquarters ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) nitong Huwebes kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng kanilang teammates na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Nasa paligid din si teammate Sam Reyes at hindi bababa sa pitong iba pang players nang pumasok sa CIDG headquarters bandang 9 a.m. para sa imbestigasyon.
Nangyari ang insidente matapos malunod sina Baterbonia at Adili sa isang training activity sa isang beach resort sa Dipaculao, Aurora noong nakaraang buwan.
Sa isang podcast kasama si Pia Hontiveros, ikinuwento nina Alas at Reyes ang kanilang karanasan at itinanggi na hazing o initiation rite ang nasabing aktibidad.
Ayon sa CIDG, patuloy ang imbestigasyon at hindi pa sila naglalabas ng opisyal na resulta. Noong nakaraang araw, iniulat na 48 katao ang ipinatawag sa kaso, kabilang ang mga manlalaro, coaching staff, at mga opisyal ng Ateneo at MVP Sports Foundation.
Giit din ng CIDG na hindi pa nila itinuturing ang insidente bilang simpleng aksidente habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat. RNT/MND