Ang Carlo J. Caparas Totoy Bato ang ipapalit sa timeslot na iiwan ng Lumuhod Ka sa Lupa na 7:15 nang gabi.
Si Kiko Estrada rin ang gaganap na bida sa Totoy Bato. Si Kiko rin kasi ang bida sa Lumuhod…
Malaking challenge ito kay Kiko dahil magkasunod itong mga teleserye na siya ang bida.
“My team is the best. They helped me through the transition, dun sa overlap.
“Kampante ako, at sobrang sigurado ako dahil sa team na meron ako.
“Nag-overlap po kasi ang taping namin sa Totoy Bato, tapos nag-taping pa kami ng Lumuhod, tapos bumalik po ako sa Totoy.
“You know, you take the wins, you take the losses, and kailangan mong i-appreciate yung journey.
“Kung yun yung journey ko sa Totoy Bato, then thank you. It’s the challenge that I accept,” sabi ni Kiko.
Nagpapasalamat si Kiko sa TV5, sa Viva, sa direktor niyang si Direk Albert Langitan at sa buong team ng serye.
“This is a collaborative effort,” pakli ni Kiko sa media conference ng Totoy Bato sa Studio 6 ng TV5.
“Hindi lang po ako ito. Lahat po na nandito, ang motto namin is to do simple things extraordinarily well.
“ito po ang unang project na kadikit ang Lolo Paquito (Diaz) ko na gagawin ko.
“I can’t wait for you to watch,” sabi ni Kiko.
FYI ay kasali ang lolo ni Kiko na si Paquito sa mga pelikulang Totoy Bato (1977) at Durugin si Totoy Bato (1979) na pinagbidahan ng namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Lumaki si Kiko sa lolo at lola niya, ang magulang ng ina niyang si Cheska Diaz. Ang aktor na si Gary Estrada ang kanyang ama, na may iba nang family ngayon.
Malaki raw ang impluwensiya ng Lolo Paquito niya kaya naging artista si Kiko.
“Hindi ako aarte kung hindi sa lolo ko. So, wala ako dito kung wala siya,” sambit ni Kiko.
Sabi pa ni Kiko, mas close pa siya sa lola niyang si Josefa Gutierrez-Diaz na nung nabubuhay pa raw ito ay talagang pinapanood ang lahat ng ginagawa niya.
“Sobra! Siya lang naman ang nanonood ng mga ginagawa ko, e.
“Siguro si Lolo Paquito yung nagiging jumpstart ko, kasi siyempre yung sinabi niya… kasi siyempre yung sa lolo ko nun.
“Lola always watched my show. Sinasabi niya, ‘Okay ka dun, boy. Medyo pagod ka dun, boy.’
“I love her so much. This is for her,” sabi niya.
Inamin ni Kiko na mas close siya sa side ng kanyang ina.
Mas kumpleto raw sana kung kasama ang papa niyang si Gary Estrada sa Totoy Bato dahil inalok din pala na makasama ito sa teleserye.
“Actually, funny fact, dapat kasama si Papa dito. Sayang,” bulalas ni Kiko.
Sa pagkakaalam daw niya ay talagang kasali na at pumayag na nga raw sa talent fee ang kanyang ama. Pero hindi na raw niya alam bakit hindi ito natuloy.
Dahil sa contractual obligation ni Gary sa ibang TV network?
“I don’t know. I really don’t know… I wish him well. Sana, sana, nagsama kami,” tila may tampong saad ni Kiko.
“Pero I guess, God said that this is not destiny yet. Kasi feeling ko talaga, tinadhana akong gampanan itong role na ito.”
Sinabi naman ni Kiko na mahal niya ang tatay niya.
“I love my dad. I love him, I wish him the best.
“Pero sana, sana, kasama siya dito. Pero I guess he chose a different option.
“Yung huling sinabi sa akin, tinanggap niya. Tapos hindi na pala,” sabi pa ni Kiko.
Baka hindi nagkasundo sa budget?
“I doubt dahil I heard they gave him the price.”
Baka may special participation si Gary later on sa Totoy Bato?
“Nah. I guess, hindi na rin puwede, di ba? Kasi, kaya niya… yun yung sinabi… I wish him the best.”
Ini-reveal din ni Kiko na mas gusto sana niyang gamiting screen name noon ay Kiko Diaz-Estrada.
Aniya, “I fought for Kiko Diaz-Estrada, to be honest. Actually, gusto ko, yung pangalan ko, Kiko lang. None of the last names.
“Actually they told me to take out the Diaz because it’s too much. Kasi parang you’re bragging.
“Pero sa akin, di ba, heritage yon? So I just followed my manager before. So, I respect where I came from. And I’m very proud of where I came from.”
Bigatin ang major support ni Kiko sa Totoy Bato gaya nina Eula Valdes, Diego Loyzaga, Bea Binene, Cindy Miranda, Art Acuña, Mark Anthony Fernandez, Nonie Buencamino, at Mon Confiado.
May special participation sina Joko Diaz, Katya Santos, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco.
Nasa cast din sina Andrew Muhlach, Billy Villeta, Ivan Padilla, Lester Llansang, Benz Sangalang, Gold Aceron, at CJ Caparas.
Introducing dito sina Lawrence dela Cruz, Benedict Lao, Natania Guerrero, Jeremiah Cruz, Dwayne Bialoglovski, at Stanley Abuloc.
Magsisimula na ang Totoy Bato sa TV5 bago ang FPJ’s Batang Quiapo sa Mayo 5, Lunes. JP Ignacio