Home NATIONWIDE Kiko sa pagkapanalo sa Senado: May milagro

Kiko sa pagkapanalo sa Senado: May milagro

MANILA, Philippines – Tinawag ni Kiko Pangilinan na isang “milagro” ang muling pagpasok niya sa Senado matapos siyang makapasok sa Top 5 ng senatorial race, kahit palaging kulelat sa mga pre-election survey.

Sa isang Zoom interview noong Mayo 12, ilang oras matapos ang halalan, nagpasalamat si Pangilinan sa kanyang mga tagasuporta.

Aniya, ang hindi inaasahang resulta ay bunga ng huling bugso ng kampanya na kinabibilangan ng pagbisita sa Mindanao, panayam sa radyo, at suporta ng mga lokal na opisyal. Ipinunto niyang tumimo sa mga botante ang adbokasiya niyang food security.

Sa partial at unofficial count kung saan mahigit 80% ng election returns ang naiproseso, nakakuha na siya ng higit 12 milyong boto.

Ayon kay Pangilinan, napatunayang hindi umepekto ang mga fake news laban sa kanya, “Kung totoo ang mga paninira nila, hindi tayo nasa Top 5.”

Ikinatuwa rin niya ang tagumpay ng kanyang mga kaalyado na sina Leni Robredo, Bam Aquino, Leila de Lima, at Chel Diokno. “Malaking panalo para sa atin,” aniya. RNT