Manila, Philippines – Nominado si Kim Chiu for Movie Actress of the Year sa 7th Village People Choice Awards (VPCA).
Ito ay para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang pinagbidahan nila ni Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear.
Ang ilan sa kalaban ni Kim sa nasabing kategorya ay ang mga kasamahan niya sa Star Magic na sina Belle Mariano (Meet,Greet & Bye,) Maris Racal (Sunshine), at Angelica Panganiban (Unmarry).
Nominado rin si Kim bilang TV Host of the Year. At ang loveteam nila ni Paulo Avelino bilang Loveteam of The Year.
Nominado naman si Paulo bilang Movie Actor of the Year.
Ang mga kalaban niya ay sina Zanjoe Marudo (UnMarry) at Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye).
Ang mananalo sa VP Choice Awards ay idadaan sa online voting na magsisimula sa February 5.
Ang 7th VP Choice Awards ay gaganapin sa April 29. Rommel Placente