Home ENTERTAINMENT Kim, nakiusap: ‘wag nyo pangunahan matris ko!’ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kim, nakiusap: ‘wag nyo pangunahan matris ko!’June 28, 2026 12:1730 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tumaba lang, pero hindi buntis.Ito ang ipinagdiinan ni Kim Molina sa gitna ng kumakalat na balitang nagdadalantao siya.Siyempre, kung buntis man siya ay courtesy ‘yon ng kanyang asawang si Jerald Napoles.Matatandaang ikinasal na ang dalawa nitong March 2026.Ito’y makaraan ng sampung taon nang magkakilala sila sa Rkak of Aegis.Dahil kasal na nga ay wala naman sigurong masama kung preggy na siya.Bukod dito’y nasa hustong edad na naman ang komedyana.“Eh, ano ngayon kung buntis ako?” May katarayang sabi ni Kim.“Tumaba lang ako. ‘Yung ilong ko, pango pa rin kaya ‘yung nagkakalat na lalaki ang anak ko, ‘kaloka!“‘Saka sadyang wala lang akong paki kung hindi man ako nag-aayos o wala akong make-up!“Kaya please lang…’wag niyo pangunahan ang matris ko!” pakiusap ni Kim.“Kung darating, let it come. If ever, talagang destined ako magbuntis.“Ang worry ko lang kasi, baka maudlot!” sey ni Kim who’s admittedly looking forward to becoming a mom. Ronnie Carrasco III