Home ENTERTAINMENT Kim, nilaglag ni Vice!

Kim, nilaglag ni Vice!

Manila, Philippines – Walang lusot si Kim Chiu nang ibisto siya ni Vice Ganda na may dyowa na.

Ang pambubuko ng Unkaboggable Star sa kanyang co-host sa It’s Showtime took place at the two-part ABS-CBN Christmas Special.

Sa entablado mismo nagkaroon ng bukuhan na sinundan ng habulan nina Vice Ganda at Kim.

Hirit ni Meme, ‘yung sinasabi niyang dyowa ng Chinita Princess ay pumunta pa sa dressing room nito.

“Nag-disguise pa, as in nakasuot ng

cap at nakatakip ang mukha…eh, taga-ABS-CBN din naman!” deklara ni Vice Ganda.

May feeling ang mga manonood na ang dyowa ni Kim na tinutukoy ng TV host-comedienne ay si Paolo Avelino.

Pero may pahaging si Vice Ganda na hindi pa raw handa si Kim na ipakilala ito sa madlang pipol. Ronnie Carrasco III