Isa sa nangungunang contender si Senator Christopher “Bong” Go sa nationwide Tangere survey noong Disyembre 10-13, 2024 para sa darating na 2025 senatorial elections.
Nakakuha ng 49.50% voters preference, si Senator Go ay nasa 2nd hanggang 4th ranking sa senatorial aspirants. Isinagawa ang survey sa 2,400 qualified respondents na may margin of error na ±1.96%.
Kumpara sa survey ng Tangere noong Nobyembre 6-9, 2024 kung saan pumangatlo si Senator Go na may 50.13%, ang kanyang kasalukuyang posisyon ay nagpapakita ng bahagyang adjustment ng mga numero ngunit nananatili siya bilang isa sa mga nangunguna.
“Ang resulta ng survey na ito ay inspirasyon sa akin na patuloy na magtrabaho para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Ang tiwala na ibinibigay sa akin ay isang responsibilidad na kailangang tapusin ng patuloy na serbisyong may tunay na malasakit,” pahayag ni Senator Go.
Ang strong showing ni Go sa mga survey ng Tangere ay umaakma sa kanyang mga performance sa iba pang mga pangunahing poll opinion.
Sa PAHAYAG 2024 End-of-the-Year Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. na isinagawa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, siya ay lumabas bilang isa sa nangungunang pagpipilian sa unaided voting preference category. Sa mga resulta ng aided voting preference, umakyat siya sa ikaapat na puwesto, isang kapansin-pansing pagtaas mula sa ikalimang puwesto noong Oktubre.
Samantala, sa Pulso ng Pilipino (PnP) Fourth Quarter Pre-Poll Survey ng Issues and Advocacy Center na ginanap mula Nobyembre 5 hanggang Disyembre 1, nailagay si Senator Go sa ikalimang puwesto na may 46.5% voters preference.
Sa simula pa lamang ng 2024, si Senator Go ay consistent na sa top contenders para sa 2025 senatorial elections. Ang mga kilalang survey mula sa Pulse Asia at OCTA Research sa taong ito ay nagpapakita ng kanyang malalim na koneksyon sa mga botante sa iba’t ibang rehiyon at demograpiko.
Noong September 6-13 Pulse Asia survey, nasa ika-4 hanggang ika-7 puwesto si Go na may 40.3%. Ang survey ng OCTA Research noong Agosto 28-Setyembre 2 ay naglagay sa kanya sa pagitan ng ika-3 at ika-6 na may 49%. Ang mga survey noong Marso 2024 ay nagpakita na si Senator Go ay nasa 2nd hanggang 3rd spot sa OCTA Research na may 49.9%, at 3rd hanggang 4th sa Pulse Asia na may 44.2%.
Nakasentro ang legislative agenda at public outreach ni Senator Go sa mga reporma sa kalusugan, accessible public services, youth and sports development, disaster resilience, public order, at iba pa.
“Para sa akin, ang pinakamahalagang maipamamana sa ating mga kababayan ay ang sistemang handang umalalay sa kanila sa oras ng pangangailangan,” sabi ni Senator Go.
Bilang tagapangulo ng Senate health committee, binigyang-diin ni Go ang pangangailangan para sa karagdagang pamumuhunan sa healthcare system ng bansa upang matulungan ang mga Pilipinong nahihirapan sa mga gastusin sa ospital.
Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program. Siya rin ang pangunahing nag-sponsor at isa sa mga may-akda ng RA 11959, na kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act, na nag-uutos sa pagtatatag ng mga specialty center sa mga regional hospital ng Department of Health.
Nagsusulong din siya para sa paglikha ng mga Super Health Center sa buong bansa upang mailapit ang pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa mga komunidad.
Bukod sa kalusugan, isa si Go sa mga may-akda at co-sponsor ng RA 11641, na lumikha ng Department of Migrant Workers.
Bukod pa rito, si Go ang pangunahing may-akda at co-sponsor ng Republic Act 12076, na kilala rin bilang Ligtas Pinoy Centers Act. Ang batas na ito ay naglalayong magtatag ng permanente at kumpleto sa gamit na mga evacuation center sa buong bansa.