![Press Presentation 010](https://remate.ph/wp-content/uploads/2024/06/Press-Presentation-010-640x387.jpg)
MANILA, Philippines – Dalawang linggo mula ngayon bago koronahan ang itatanghal na Miss Manila 2024 ay nagpasulyap ang nasa 24 na naggagandahang kandidata sa mga miyembro ng Selection Committee at mga miyembro ng media sa ginanap na press presentation Lunes ng hapon.
Ang Miss Manila 2024 ay isa lamang sa mga nakalinyang kaganapan sa pagdiriwang ng ika-453-taong anibersaryo ng Araw ng Maynila na magpapamalas sa makasaysayan at kultural na pamana ng Maynila at maging ng lakas at katatagan ng mga natatanging lugar tulad ng Sta Cruz, Binondo Chinatown at Divisoria.