Home Uncategorized $19B proyekto mula sa foreign trips ni PBBM natupad – DTI

$19B proyekto mula sa foreign trips ni PBBM natupad – DTI

MANILA, Philippines – INIULAT ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na US19 bilyong halaga ng proyekto na nasa kanilang investment promotion agencies (IPAs) ang natupad mula sa official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang investments anito ay nagmula sa 65 proyekto kung saan ang 12 ay nago-operate na; 21 ay nagparehistro na sa Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA); at 32 ang nasa proseso na ang kanilang rehistrasyon sa IPAs ng DTI.

“USD19 billion of the investments have already cleared,” ayon kay Pascual.

Ito aniya ay mas malaki sa USD14 billion actualized projects na iniulat ng DTI noong Pebrero.

Sinabi pa ni Pascual na mayroong 12 proyekto na kasalukuyang nago-operate ang may kabuuang investments na USD327 million.

Ang 21 proyekto na nakakuha ng BOI at PEZA approvals ay may puhunan na USD 1.6 billion, habang ang 32 proyekto na mayroong ongoing registration sa IPAs ay may investments na nagkakahalaga ng USD17 billion.

Samantala, sinabi naman ni DTI Undersecretary Jose Edgardo Sunico na ang ahensiya ay mayroong 231 investments sa pipeline ‘as of June 2024,’ kabilang na rito ang mga proyekto sa ilalim ng public-private partnership (PPP).

“As of June 2024, monitoring shows 201 projects totaling USD61 billion. Including PPP projects, the total rises to 231 projects amounting to USD76.6 billion, higher than the previous report,” ayon kay Sunico.

Sa nakalipas na ulat, nakapagtala ang DTI ng 148 investment dahilan para umabot sa USD72.2 billion ‘as of December 2023’. Kris Jose