Home NATIONWIDE Pagtaas ng Dialysis patients, ikinabahala ng NKTI

Pagtaas ng Dialysis patients, ikinabahala ng NKTI

MANILA, Philippines – Nababahala ang isang opisyal ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa naoobserbahang 40 porsyientong pagtaas sa bagong dialysis patients sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Dr. Romina Danguilan, NKTI’s Deputy Executive Director for Medical Services, na ang specialty center ay tumatanggap ng tinatayang 35,000 out-patients at 27,000 in-patienys kung saan 80 porsyiento nito ay kidney diseases.

Idinagdag pa na ang bilang ng mga pasyente na sumasailalim sa dialysis sa Ngayon ay nasa 60,000 kaya nagiging malaking pasanin ito sa ating health care system.

Iniuugnay ni Danguilan ang pagtaas ng bilang sa higit na kamalayan sa sakit at sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.

Samantala, malugod na tinatanggap ni Danguilan ang pag-aaral ng PhilHealth sa posibilidad na doblehin ang coverage nito para sa hemodialysis sa P5,200 kada session mula sa kasalukuyang P2,600 kada session, na sumasaklaw sa 156 session taun-taon.

Plano din ng state insurer na pagbutihin ang “Z Benefits” nito para sa kidney transplant, na kasalukuyang nasa P600,000.

Kapag maituloy ang enhanced benefits, masasaklaw nito ang post-medication para sa transplant.

Itinutulak din ng NKTI ang mga pinabuting benepisyo para sa peritoneal dialysis, na isa pang uri ng dialysis.

Kinikilala rin niya ang mga kadahilanan kung bakit limitado ang mga aktwal na dumaan sa mga kidney transplant.

“One is age. So if you’re very senior, you may have a lot of comorbidities. Medyo baka may sakit sa puso na sila. So kailangan kasi ma-clear sila ng ating cardiologist that they can undergo a major operation, and so minsan that’s a problem. So the earlier, the younger the patient, we want to encourage them already to get a transplant.” saad ni Danguilan.

Minsan din aniya ay walang donor na isa sa pangunahing dahilan kaya hindi sumasalang sa transplant ang pasyente gayundin ang kakulangan sa pinansyal dahil sa anti-rehection medicines.

Sa pagsulong ng teknolohiya, ipinaliwanag ni Danguilan na “may mga napakahusay na gamot ngayon” na ibinibigay sa mga kidney patient.

Upang maiwasan ang sakit sa bato, pinayuhan ng mga doktor ang publiko na ugaliing uminom ng tubig, iwasan ang maalat na pagkain, at alamin kung sila ay may hypertension o diabetes na  itinuturing na mataas ang panganib na magkaroon ng mga problema sa bato. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)