Home METRO Kasambahay tumangay ng P3M sa amo, arestado!

Kasambahay tumangay ng P3M sa amo, arestado!

MANILA, Philippines – Isang kasambahay ang dinakip makaraang tangayin ang P3 milyon halaga mula sa kanyang pinagtatrabahuhang amo sa  Brgy San Francisco, Gen Trias City, Cavite.

Kinilala ang  suspek na si alyas ‘Nica’ tubong Burgos Carranglan Nueva Ecija.

Ayon sa report, bandang alas-4:30  ng hapon nang komprontahin ang suspek ng kanyang amo hinggil sa nawawalang P3,000,000 na nakalagay sa isang bag sa loob ng cabinet ng biktima sa kanilang bahay sa nasabing lugar.

Una dito, kinompronta ang suspek at itinangging may kinuha ito subalit bandang huli ay umamin at sinabi kung saan niya tinago.

Narekober ang pera sa kisame ng comfort room ng bahay at ang  halagang P1,000.00 bills na nagkakahalaga ng P500,000.00 ay  nakuha sa kanyang drawer kasama ang dalawang bundle na tig P1,000.00 bills na nagkakahalaga ng P1,000,000.00.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng General Trias CPS. Margie Bautista