Home ENTERTAINMENT Kiray, may pa-contest sa gender ng baby!

Kiray, may pa-contest sa gender ng baby!

84
0

Manila, Philippines – Pati paglulunsad ng contest sa kung sino ang makakahula ng gender ng baby nila ni Stephan Estopia ay pinasok na din ni Kiray Celis.

Nagpa-game nga ang komedyante as to the lone correct guesser na bibigyan niya ng prize.

Pero hindi naman binanggit ni Kiray kung magkano ang ipadadala niyang premyo through Gcash.

In fairness, may twist sa pa-gender reveal game ni Kiray.

On Instagram, Kiray posted photos of them while holding baby dresses and toys.

Caption ng Kapuso comedienne: “Boy or girl kaya ang baby namin ni @stephan.estopia? Game! Mamimili ako ng 1 winner na mananalo ng tamang gender! I-comment n’yo agad ang Gcash n’yo para madaling i-send! Hahahaha!”

At tulad ng inaasahan, bumaha nga ng mga hula ang pa-contest ng magdyowa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here