Home METRO Klase sa Palimbang, Sultan Kudarat sinuspinde sa Magnitude 4.9 lindol

Klase sa Palimbang, Sultan Kudarat sinuspinde sa Magnitude 4.9 lindol

1
0

SULTAN KUDARAT, Philippines – Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Palimbang, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng hapon matapos tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa karagatan ng bayan.

Sa Executive Order No. 040, iniutos ni Mayor Myrna Kapina ang suspensyon dahil sa posibleng pinsala sa mga gusali, pagbagsak ng mga bagay, aftershocks at iba pang panganib na maaaring ilagay sa peligro ang mga estudyante at school personnel.

Mananatili ang suspensyon hanggang sa bawiin ang kautusan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol alas-1:34 ng hapon, 47 kilometro southwest ng Palimbang, at may lalim na 10 kilometro.

Inatasan ang mga school head na makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba pang kinauukulang ahensya upang suriin ang kaligtasan at kondisyon ng mga gusali at pasilidad ng paaralan.

Magbabalik ang klase kapag nakumpirma ng mga awtoridad na ligtas nang gamitin ang mga school premises. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here