MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Malacañang ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila at iba pang probinsya sa Biyernes, Hulyo 25, dahil sa bagyong Emong at habagat.
Mga lugar na sakop:
National Capital Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan (kasama Babuyan Islands), Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Marinduque, Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay.
Ang mga frontliner ng pamahalaan ay inaasahang magtuloy ng trabaho.
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall si Emong sa La Union, Ilocos Sur, o Ilocos Norte sa Biyernes ng umaga at dadaan malapit sa Babuyan Islands at Batanes bago maggabi. RNT