SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na kailangan ang komprehensibong batas para sugpuin ang paglaganap ng deepfakes sa bansa.
”I think so, we need a new law. Actually, I think we need to have a more comprehensive law rather than bits and pieces of legislation that address small items. For instance, you have an anti-scam law, you have an anti-misinformation law, you have anti-deep fake law, something like that,” ang sinabi ni Uy sa isang episode ng Malacañang Insider.
”Like for instance, in other countries, they have, for example, Singapore, they have online harm law. So that covers anything. If your conduct online causes harm, be it phishing, scamming, deep fake, misinformation, whatever, then it’s covered under that law,” ayon pa rin kay Uy.
Para sa DICT, ang deepfakes ay “mimicry of the voice or image of the person purporting to be someone else.”
Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagdudugtong ng mga larawan, videos, audio, o pinagsamang format para lumikha ng mapanlinlang at pekeng content.
Sinasabi pa rin na ang Deepfake ay isang pamamaraan ng paglikha at pag-publish ng maling impormasyon sa anyo ng mga video, audio at mga larawan.
Sa kabilang dako, winika pa ng DICT na habang ang Pilipinas ay kulang sa regulasyon laban sa deepfakes, may mga hakbang ng pagpaparusa sa maling paggamit kabilang ang pagpapakalat ng fake news.
Tinukoy naman ng DICT ang Artikulo 154 ng Revised Penal Code na nagsasad na “any person who, by means of printing, lithography, or any other means of publication, shall publish or cause to be published as news any false news which may endanger the public order or cause damage to the interest or credit of the State.”
Kamakailan lamang, pinuna ng Presidential Communications Office (PCO) ang video na nagtatampok ng deepfake audio ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinasabing inaatasan ang military na kumilos laban sa isang foreign country.
Sinabi ni Pangulong Marcos na hindi siya kailanman nagbigay ng kahit na anumang kautusan. Kris Jose