MANILA, Philippines – TINIYAK ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na magiging magarbo ang gagawin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila kay Carlos Yulo na isang tunay na Manilenyo makaraang makasungkit ng dalawang gintong medalya ng bansa sa Paris Olympics.
Ayon sa pahayag ni Lacuna, pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ang gagawing “Hero’s Welcome” kay Yulo at sa iba pang mga Pilipinong lumahok sa Olympiada sa oras ng kanilang pag-uwi sa bansa.
“All of Manila, the entire Philippines, and all Filipinos all over the world rejoice at Carlos Edriel Yulo’s spectacular gold medal performance at the Paris Olympics. Our hearts leaped in our chests as Caloy leaped high in the air. We stomped our feet on the floor as Caloy nailed those solid landings that felt like earthquakes. Our eyes glowed in admiration as Caloy showed sure control as he executed that perfect handstand,” pahayag ni Mayor Lacuna.
Ayon kay Lacuna, sinabayan nila si Caloy ng awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas at hindi nila napigilan ang maluha nang iwagayway ang watawat ng Pilipinas sa Paris.
“When we meet him, we will present Carlos Yulo cash incentives, awards, and symbols of the eternal gratitude of the proud Capital City of the Philippines,” ayon pa sa alkalde.






