Home METRO Ex-kapitan tinodas ng hitman

Ex-kapitan tinodas ng hitman

145
0

ILOILO CITY – Patay sa pamamaril ang isang dating barangay kapitan sa La Paz District dito noong Lunes ng umaga, Agosto 5.

Kinilala ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang biktima na si Ernie Poral, dating kapitan ng Barangay Ingore.

Ayon sa imbestigasyon, bumibili ng patuka ng manok ang 65-anyos na biktima sa isang palengke sa Barangay Baldoza bandang alas-7 ng umaga nang dumating ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril siya.

Bumagsak si Poral sa lupa at muling binaril ng gunman. Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima at dead on the spot.

Inutusan ni Police Col. Kim Legada, hepe ng ICPO, ang La Paz Police Station na imbestigahan ang umano’y pananakot sa biktima.

Ang gunman ay iniulat na isang contract killer.

Sinabi ni Police Major Shella Mae Sangrines, tagapagsalita ng ICPO, na tinutukoy ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay kay Poral. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here