Home HOME BANNER STORY Kondisyon ni Medialdea bumubuti na; Digong agad na kinumusta

Kondisyon ni Medialdea bumubuti na; Digong agad na kinumusta

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Robinhood Padilla na nasa maayos na kalagayan si dating Executive Secretary Salvador Medialdea sa kabila ng kanyang pagkakaospital.

Gayunpaman, nananatili umanong nakaalala si Medialdea sa kapakanan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Si Rody anong balita? Si Inday nagkita na ba sıla ni Rody?”, ani Padilla na unang sambit umano ni Medialdea.

Ayon kay Padilla, gustong bumalik ni Medialdea sa penitentiary ngunit pinigilan siya ng mga doktor. Maging habang naka-confine, paulit-ulit nitong pinaalalahanan ang mga tao na siguraduhin ang pagkaing Pilipino para kay Duterte.

“Ang kulit kahapon, kasi gustong bumalik [sa Penitentiary]. Eh [pinigilan] na nga siya ng mga tao doon [sa hospital]. … Hanggang dun sa emergency room, pinalabas nga ako nung nurse.”

“[Paulit-ulit niyang pinaalala” yung pagkain. [Kapag] pumayag na yung [sa pagpapadala] ng pagkain, dapat Pilipino. Yung mga ganun ba na bilin ng kaibigan. Yung sa legal kasi, [hindi] naman ako [sinasabihan] tungkol doon. Pero, sinasabi ko sa kanya, ‘Yes, ‘wag nang magkwento’.”

Kasama ni Padilla si Medialdea sa ambulansya ngunit hindi siya nagbigay ng detalye tungkol sa kondisyon nito.

Samantala, naghihintay pa rin si Padilla ng pahintulot na bisitahin si Duterte, dahil bilang pangulo ng PDP-Laban, kailangan niyang makausap ang chairman ng partido tungkol sa eleksyon.

Tumanggi namang magbigay ng impormasyon ang ICC tungkol sa mga dalaw ng mga detainee, ayon sa kanilang tagapagsalita.