MANILA, Philippines- Sinabi ng Vatican noong Sabado na ang kalusugan ni Pope Francis ay lumala sa nakalipas na 24 oras at sa unang pagkakataon ay inilarawan ang kanyang kondisyon bilang “kritikal,” na nag-uulat na kailangan niya ng karagdagang oxygen at pagsasalin ng dugo.
Na-admit ang papa sa Gemelli hospital ng Roma noong Pebrero 14 matapos makaranas ng kahirapan sa paghinga sa loob ng ilang araw, at pagkatapos ay na-diagnose na may pneumonia sa magkabilang baga.
Sa isang pahayag noong Sabado ng gabi, sinabi ng Vatican na nagdurusa sa mahabang “asthma-like respiratory crisis” sa umaga na nangangailangan ng pagbibigay ng “high-flow oxygen.”
“The Holy Father’s condition remains critical,” ayon sa pahayag. “The Pope is not out of danger.”
“The Holy Father remains alert and has spent the day in a chair, though he is suffering more than yesterday. At the moment, the prognosis remains guarded,” dagdag pa.
Bukod sa karagdagang oxygen, sinabi ng Vatican na nangangailangan ng blood transfusion ang papa dahil lumabas sa pagsusuri na mayroon siyang mababang platelet count na nauugnay sa anemia.
Nauna nang inanunsyo ng Vatican noong Sabado na ang papa ay hindi lalabas sa publiko ng Linggo upang manguna sa panalangin kasama ng mga peregrino, sa ikalawang sunod na linggong hindi siya nakadalo sa kaganapan. Jocelyn Tabangcura-Domenden