Home METRO LGBTQIA+ member kinatay

LGBTQIA+ member kinatay

MANILA, Philippines- Naaagnas na at kinatay nang matagpuan ang isang nawawalang LGBTQIA+ member sa isang bahay sa Caloocan City.

Ang biktima, kinilalang si Michael Dolina, ay kilala rin sa pangalang Shalani, residente ng San Jose Del Monte Bulacan at sinasabing tatlong araw nang nawawala, ay natagpuan sa loob ng isang bahay sa Phase 10, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Natagpuan ang bangkay na nakabalot sa kutson samantalang ang pinutol na binti ay nakita sa loob ng isang ice box.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang itinuturing na person of interest na isang tattoo artist, nakatira sa nasabing bahay kung saan natagpuan ang nasabing bangkay. Rene Manahan