Home OPINION KONGRESISTANG PWEDENG ARTISTA

KONGRESISTANG PWEDENG ARTISTA

MARAMING umismid lang sa pahayag ni Partylist Representative France Castro na nanganib ang buhay niya sa nangyaring barilan sa Makati City noong Miyerkoles ng gabi subalit sinabi niyang naganap sa Taguig City.

Feeling ng mga inis sa mambabatas na ito na nag-iinarte lang upang mapansin at makilala ng husto ng mga mamamayan. Siyempre, kailangan niya ang boto sa May 2025 Midterm Elections dahil kanidato siya sa pagkasenador.

Kilalang-kilala na siya ng marami lalo na ng mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte kaya naman asahan na nitong mambabatas na hindi siya makakukuha ng boto mula sa karamihan ng mga botanteng naninirahan sa Mindanao.

Sabagay, kahit naman dito sa Luzon lalo na sa Metro Manila ay malabong makakuha ng mga boto itong Alliance of Concerned Teacher Partylist Representative sapagkat marami ang umayaw sa kanya dahil sa sobrang pag-arte sa harap ng camera at mga kasamang mambabatas.

Sabi nga ng mga nakapanood sa kanyang kilos, pananalita at pag-arte noong hearing kung saan ang resource person ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte, pwedeng-pwedeng artista itong si Castro dahil sa pagpapakitang-gilas pero lagi namang barado kay FPRRD dahil isa nga itong abogado.

Totoong pwedeng artista ito pero siyempre, hindi siya pwedeng bida. Kontrabida, pwedeng-pwede pa. Kasi nga, panay naman ang kontra niya sa sinasabi ng kanilang mga ipinatawag sa inquiry na ilang beses na sinasabing “in aid of legislation”.

Kung umarte itong si Castro ay tila may ibubuga pero puro dakdak lang naman ang ginagawa. Marami tuloy ang kumokondena sa kanya na bakit nananatili sa gobyerno gayung kalaban ito. Paanong nasabing kalaban?

Sabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict si Castro ay kalaban ng bayan at kasabwat ng teroristang grupo na New People’s Army na nagtatago bilang miyembro ng Kongreso.

Ayon nga sa isang rebel returnee, si Castro at iba pang miyembro ng Makabayan Bloc ay mga nakikibaka para sa mga rebeldeng nasa kabundukan.

Giit nga ng ilang netizens na hindi napuknat sa pagsubaybay sa teleserye sa House Quad Committee Inquiry, walang karapatan si Castro na gisahin ang mga ipinatawag nila sapagkat ito mismo ay walang moralidad upang maggisa at magpataw ng contempt dahil siya mismo ay isang convicted individual.

Para sa kaalaman ng mga mamamayan, si Castro kasama si Satur Ocampo at iba pa ay pinatawan ng 4 hanggang 6 na taong pagkabilanggo dahil sa kasong Child abuse.

Kaya nga, huwag umarte itong mambabatas na ito na siya ay walang bahid dungis. Sa ginagawa niyang pag-asta na akala mo’y “BIrhen Maria” na walang bahid sala, aba’y pwedeng artista. Pero dapat sa kanya kundi kontrabida ay extra.