Home NATIONWIDE Konsehal na inireklamo ng harassment ng kapwa konsehal sa Maynila, sinuspinde na

Konsehal na inireklamo ng harassment ng kapwa konsehal sa Maynila, sinuspinde na

338
0

MANILA, Philippines – MAKARAANG ireklamo ng harassment ng kapwa konsehal na nagpapamalas ng hindi wastong pag-uugali, pinatawan ng 60-araw na suspensiyon ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila si 4th District Councilor “Kuya” Ryan Ponce.

Sa mabilis na aksyon hinggil sa ethics complaint, naglabas ang 13th City Council ng Resolution No. 393 sa pamumuno ni Vice Mayor Chi Atienza bilang presiding officer bunsod ng privilege speech ni Councilor Eunice Castro noong nakaraang linggo na nag-akusa ng harassment sa kapwa konsehal.

“Let this serve as a clear signal that this council takes its duties and ethical standards with seriousness and due process. This is also a reminder to everyone that this kind of complaint should not be taken lightly,” pahayag ni VM Atienza.

Nakasaad sa committee report na may kredibilidad ang alegasyon ni Castro kaya’t kahit na humingi na ng paumanhin si Ponce, nararapat pa rin siyang patawan ng parusa dahil bilang opisyal ng pamahalaan ay kailangan niyang panagutan ang kanyang ginawa.

Bukod dito, inaprobahan din ng konseho ang pagbabago ng pamumuno ng mga komite upang mapunan ang mababakanteng pamumuno ni Ponce.

Ayon kay Councilor Atty. Jaybee Hizon na namuno sa imbestigasyon, inilatag nila ang legal at etikal na basehan sa pagpapataw ng suspensiyon kay Councilor Ponce na ibinatay sa privilege speech ni Councilor Castro. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here