Home METRO Konstruksyon ng San Agustin bridge tatapusin ngayong taon – Dizon

Konstruksyon ng San Agustin bridge tatapusin ngayong taon – Dizon

193
0

MANILA, Philippines – Nangako si Public Works Secretary Vince Dizon noong Biyernes na matatapos na sa loob ng taon ang matagal nang naantalang konstruksyon ng San Agustin Bridge sa Arayat, Pampanga.

Ang tulay, na bahagi ng national road na nagdurugtong sa Pampanga at Nueva Ecija, ay walong taon nang nakatigil ang konstruksyon.

Ayon kay Dizon, naantala ito dahil mas binigyang-priyoridad ng mga dating opisyal ang mga multibillion-peso flood control projects.

Sinabi ni Dizon na ipinagpatuloy na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon gamit ang ipon ng ahensya mula 2025, ngunit kailangan pa ng humigit-kumulang P75 milyon para tuluyang matapos ang tulay.

“Can you imagine? Daan-daang milyon, bilyon ang ginastos sa kung ano-anong mga flood control project na nasisira lang, eto P75 million lang to finish hindi pa napondohan, 8 years na,” ani Dizon.

Samantala, sinabi ni Arayat Mayor Jeffrey Luriz na umaasa siyang matatapos ang tulay ngayong taon dahil mahalaga ito sa lokal na ekonomiya.

“Maraming tinatamaan na mga negosyante at ‘yung mga kalakal, magkakaproblema tayo dito, lalong tataas ang mga bilihin,” aniya.

Iniutos din ni Dizon na suriin ang structural integrity ng mga bahaging naitayo na, dahil matagal na itong nakalantad sa bigat at pinsala.

“Ang maganda diyan, once we fix this one (the other side), ’yung traffic, magdi-divide by two eh ’di ba? Ngayon kasi lahat ng truck two-way, isa lang ang dinadaanan,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here