Home NATIONWIDE Konstruksyon ng windmill sa Laguna, nanganganib na mapurnada

Konstruksyon ng windmill sa Laguna, nanganganib na mapurnada

235
0

MANILA, Philippines – Ikinabahala ng mga residente sa Laguna ang tila mapupurnadang Windmill Project sa kanilang lugar.

Ito ay dahil umano sa pagbabawal na makadaan ang mga cargo truck patungo sa site ng proyekto.

Kabilang ang Windmill Project sa mga isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang solusyon sa kakapusan ng enerhiya sa bansa.

Nang ianunsyo ang proyekto, maraming residente sa ikaapat na Distrito ng Laguna ang na-excite at natuwa.

Sinasabing naglagay ng tollgate sa daan na nasasakupan ng Pangil, Laguna.

Gayunman, usap-usapan ngayon sa distrito ang reklamo ng mga kontratista sa bulunduking bahagi ng Pangil at Pakil sa Laguna, dahil sa pagbabawal sa mga cargo truck na makadaan sa pataas na bahagi ng bundok dahil sa utos umano ng lokal na pamahalaan ng Pangil.

Ayon sa ilang source, idinadahilan umano ng tanggapan ni Pangil, Laguna Mayor Gerald Aritao na nasisira ang kalsada dahil sa pagdaan ng mga heavy equipment kaya naman ang konstruksyon ng proyekto ay nababalam.

May mga reklamo ding sinisingil sila ng toll o pinakukuha ng kung ano-anong permit.

Wala pa namang pahayag si Mayor Aritao kaugnay ng nasabing usapin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here