Home NATIONWIDE Kontra SONA ni Cayetano: PH malaki potential kung may ‘national vision’

Kontra SONA ni Cayetano: PH malaki potential kung may ‘national vision’

1
0

MANILA, Philippines – Ginamit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kanyang Kontra-SONA – ang tradisyonal na tugon sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo – upang manawagan sa mga Pilipino na magkaisa sa iisang “national vision” na dapat maging gabay sa polisiya at reporma ng pamahalaan.

Isang araw matapos ang SONA ni President Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Cayetano na kailangang magkasundo muna ang bansa sa direksyong nais nitong tahakin bago makabuo ng mga programang magdadala ng mga sulusyong pangmatagalan.

“Vision is contingent on actions. Kailangan [natin] ng national discussion, pag-uusap tungo sa isang vision or pinag-kaisahang vision. If we agree on a common vision, then we have something to truly give to the next generation,” sabi ni Cayetano nitong July 28, 2026.

Ayon sa senador, marami pa ring malalaking hamon ang kinakaharap ng Pilipinas ngunit nananatili itong bansang may malaking potensyal kung magkakaroon ng maayos na pamamahala, pangmatagalang plano, at nagkakaisang pagkilos.

“What is the state of our nation? Ang ating bansa ay dumaraan sa kahirapan. Mahirap, ngunit may malaking potential, may mga pagbabago ngunit puno ng pagsubok,” wika niya.

Tugunan ang mga suliranin ng bansa

Sinabi ni Cayetano na hindi maaabot ng bansa ang buong potensyal nito hangga’t hindi natutugunan ang matagal nang mga suliranin tulad ng malnutrisyon ng mga bata, paghina ng sektor ng agrikultura, mababang sahod, at korapsyon.

Isa sa mga binigyang diin ng senador ang child malnutrition. Aniya, kailangang magtulungan ang pamahalaan at mga komunidad upang masugpo ang stunting, na ayon sa kanya ay nakaaapekto sa isa sa bawat apat na batang Pilipino at naglalagay sa kinabukasan ng bansa sa panganib.

Nanawagan din siya na muling bigyang ng pansin ang agrikultura dahil napapabayaan ito habang abala ang marami sa pagtatalo sa pulitika.

“Kung sino naman po magsasabi na OK naman ang takbo ng ating agriculture, it’s OK to disagree. Parati kasi tayong nag di-disagree kaya napapabayaan y’ung [ating] agri [agriculture],” wika niya.

Iginiit din ni Cayetano na marami pa ring manggagawang Pilipino ang nahihirapan dahil hindi na sapat ang kanilang kinikita para sa tumataas na halaga ng mga pangunahing bilihin.

“Nahihirapan na po ngayon ang ating mga trabahador. We have a minimum wage, but we do not have a living wage that the Constitution envisions,” sabi niya.

Bagama’t kinilala niyang may mga problemang hindi kontrolado ng bansa tulad ng kalamidad at mga sigalot sa ibang mga bansa, sinabi ni Cayetano na dapat pa ring hangarin ng pamahalaan ang mas mahusay na pagtugon sa mga isyu na ito.

“We could’ve reacted faster and better. Having said that, how do we prepare ourselves to really achieve what we can achieve through our potential [at] hindi y’ung ‘pwede na’?” sabi niya.

Sa kabila ng mga hamon, naniniwala ang senador na kayang umunlad ang Pilipinas kung magkakaisa ang mga Pilipino sa iisang layunin.

“Malaki kasi ang potensyal ng mga Pilipino, maabilidad kasi ang mga Pilipino. Kaya po natin. May pag-asa [tayo, at] hindi [natin] kailangang maghintay ng matagal,” aniya.

“Let us believe, but let us act,” dagdag niya. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here