Home OPINION KORTE SUPREMA AT PAG-IBIG FUND, LUMAGDA SA ISANG MOA UKOL SA BENEPISYO

KORTE SUPREMA AT PAG-IBIG FUND, LUMAGDA SA ISANG MOA UKOL SA BENEPISYO

OPISYAL nang magkasangga ang Supreme Court at ang Home Development Mutual Fund o mas higit na kilala bilang Pag-IBIG Fund matapos na magkaroon ng paglagda sa isang MOU o memorandum of understanding ang dalawang institusyon kaugnay sa abot-kayang pabahay nito.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, ang Korte Suprema bilang institusyon ng mga karapatan ay nararapat lamang maging magandang halimbawa sa pagtitiyak at pagsusulong ng mga karapatan ng mga bumubuo rito kabilang ang karapatan sa isang disente at abot kayang tahanan.

Nakapaloob sa MOU na tinutukan ni Senior Associate Justice Marvic Leonen ang implementasyon ng ROPA Program o ang Group Sale of Real and Other Properties Acquired na tutulong sa mga kawani ng Korte Suprema sa pagpili ng kanilang preferred property mula sa listahan ng acquired assets o kaya naman ay home matching sa mga imbentaryo ng mga akredi­tadong developers.

Magkakaloob din ang Pag-IBIG Fund ng individual hou­sing loans sa mga kwalipikadong empleyado ng Supreme Court alin­sunod sa mga ipinaiiral na patakaran ng ahensiya. Kaya magkakaroon ng isang Collection Servicing Agreement sa loob ng Korte Suprema, para sa koleksyon ng hulog ng mga lumahok sa group sale.

Sinabi ni Senior Associate Justice Leonen na wala ni isang kusing na ginamit mula sa pondo ng Korte Suprema.

Target ng Pag-IBIG Fund na maglaan ng Php 140 billion para sa housing loan nito sa papasok na taong 2024.  Ito ay 8.5% na mas mataas kumpara sa Php 129 billion  na aprubadong budget noong 2023.

Ayon kay Ms. Marilene Acosta na siyang chief executive offi­cer ng Pag-IBIG Fund, inaasahan nila na sa implementasyon ng 4PH o Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program at sa ginawang abot kayang socialized housing ay maraming housing developer ang makagawa ng housing units sa taong 2024.