Home METRO Kotse, van nagsalpukan sa Northern Samar

Kotse, van nagsalpukan sa Northern Samar

113
0

MANILA, Philippines – Nasa 20 katao ang nasugatan sa salpukan ng isang kotse at van sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Sitio Km. 3, Barangay Libas sa Lavezares, Northern Samar.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap alas-2 ng hapon noong Huwebes, Abril 2 kung saan sangkot sa insidente ang isang pulang kotse na minamaneho ng 51-anyos na lalaki mula Catarman.

Nakabanggaan nito ang isang van na minamaneho naman ng 37-anyos na lalaki na residente ng Morong, Rizal.

Batay sa imbestigasyon, magkasalubong ang dalawang sasakyan nang naganap ang banggaan kung saan patungo sanang Allen ang kotse habang patungo namang Catarman ang van.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinangkang mag-overtake ng kotse sa pakurbang bahagi ng kalsada dahilan para sakupin nito ang kabilang linya at bumangga sa kasalubong na van.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng sugat ang lahat ng sakay ng dalawang sasakyan.

Mayroong anim na pasahero ang kotse kabilang ang drayber nito, at labing-apat na pasahero naman ang van at ang drayber nito.

Agad rumesponde ang mga rescuer na nagbigay ng paunang lunas kung saan agad na dinala sa ospital ang mga sugatan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here