MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Congressional Aspirant Rose Nono Lin ang kredibilidad ni dating Police Colonel Eduardo Acierto na testigo sa imbestigasyon ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa war on drug ng Duterte administration.
Ayon kay Lin si Acierto ay sangkot sa P11-billion smuggled drugs na nadiskubre sa Manila International Container Port (MICP) at P10 million warehouse sa Cavite noong 2018.
Sangkot din umano ito sa illegal na pagbenta ng 1,000 high-powered firearms na nagkakahalaga ng P52 million sa communist insurgents gayundin ay sangkot sa ilang insidente ng kidnapping.
Binuweltahan ni Lin si Acieto matapos nitong sabihin na ang kanyang asawa na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national at ang drug personality na si Allan Lim ay iiisa.
Si Allan Lim kabilang si dating Presidential Adviser Michael Yang ay isinasakot sa illegal drug trade.
Hinamon ni Lin si Acierto na kung nagsasabi ito ng totoo ay lumantad at harapin ang mga kaso laban sa kanya.
“Unlike Acierto, my husband is not a subject of any warrant of arrest nor the subject of a pending case in court” giit ni Lin.
Hinamon nito si Acierto na magpakalalaki at huwag magtago sa mga akusasyon bagkus ay harapin ang mga kaso. RNT