MANILA, Philippines – Nagbigay ng patikim na updates ang kaibigang matalik ni Kris Aquino, ang dating tabloid editor na si Dindo Balares.
Nagpaumanhin muna si Dindo na limitado lang muna ang kanyang ibabahagi sa kanyang Facebook account.
“Pero sa mga nagtatanong, ito ang latest… mainit-init pa. Kagabi lang,” sabi ni Dindo patungkol sa convo nila ni Kris.
Buhat nang magretiro sa showbiz writing, Dindo opted to stay in his native Bicol town.
Doon ay meron siyang natural farm sa upland Bicol.
Here goes his convo with Kris:
Kris: How far is the mountain?
Dindo: Thirty kilometers from Naga City.
Kris: I want to go to Bicol.
Pagbabahagi ni Dindo, hindi pa man daw dinapuan ng autoimmune disease si Kris ay gusto na niyang mag-forest bathing, makipag-usap sa mga puno and commune with nature.
Bumili pa nga raw si Kris ng libro tungkol sa forest bathing.
Napa-fascinate daw ang Queen of All Media sa buhay ng pag-eermitanyo.
Ipinagmamalaki rin ni Dindo ang kanyang natural farm na gusto niyang pagdalhan kay Kris once she steps on his town.
By natural, ang pag-aaring taniman daw na ‘yon ni Dindo ay hindi gumagamit ng mga kemikal sa pagpapatubo ng mga pananim niya.
Wrapping it all up, nangako si Dindo na magbibigay siya ng susunod na updates tungkol kay Kris at sa kalusugan nito.
Masayang malaman that Kris is slowly springing back in action! Ronnie Carrasco III