Manila, Philippines- Kulang na lang ay diretsahang sabihin ni Cristy Fermin na kalunus-lunos ang kalagayan ngayon ni Jake Zyrus.
Si Jake ay ang dating si Charice Pempengco na matagal nang nananatili sa Amerika.
Ayon sa ulat ni Cristy sa Showbiz Now Na mula sa impormasyon ng kanyang mapagkakatiwalaang source, madalas umanong nakikitang naglalasing si Jake sa isang bar doon.
Bale ba, hindi tulad noon na kabi-kabila ang kanyang mga shows ay wala siyang pagtatanghal na pinagkakakitaan.
At pag nalalasing pa raw ay para itong lutang.
Ibig sabihi’y hindi alam ang kanyang ginagawa.
In fairness, nagtangka naman daw si Jake na mag-perform doon.
Sa kasamaang palad nga lang ay matumal daw ang bentahan ng mga tiket.
Marami tuloy sa ating mga kababayan ang naluluungkot sa kinahinatnan ng singing career ni Jake, na malayung-malayo noong si Charice pa siya.
Samantala, naniniwala naman ang kapwa transman ni Jake na si Ice Seguerra na malaki ang posibilidad na muling makakabangon ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang taong totoong magmamahal sa kanya.
Nabalita nang iba na ang karelasyon ngayon ni Jake na isang makeup artist at isa ring singer.
Bukas ang Remate Online sa panig ni Jake Zyrus. Ronnie Carrasco III