Home NATIONWIDE Ayudang naipamigay sa Kanlaon-affected families, P198M na

Ayudang naipamigay sa Kanlaon-affected families, P198M na

MANILA, Philippines – Nakapamahagi na ang national at local government ng P198 milyong halaga ng tulong sa mga pamilya na apektado ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Enero 24, kabilang sa halaga ang P127.3 milyon para sa Central Visayas at P70.7 million para sa Western Visayas.

Nakinabang dito ang 10,053 pamilya mula sa dalawang rehiyon. Nasa 7,552 pamilya ang mula sa Western Visayas at 2,501 pamilya ang mula sa Central Visayas.

Kabilang sa ayuda ay ang family food packs, hygiene, at sleeping kits, financial assistance, filtration at generator sets. RNT/JGC