Home ENTERTAINMENT Kris, “patay” na raw?

Kris, “patay” na raw?

361
0

Manila, Philippines- Sa pamamagitan ng kanyang malapit na kaibigan ay nagbigay ng latest health updates si Kris Aquino.

Si Dindo Balares na dating tabloid editor ang nag-assure na walang dapat ikabahala ang mga taong patuloy na nagmamalasakit kay Kris.

Over the weekend kasi, palibhasa’y busy sa kanyang organic farming sa kanyang bukid sa Bicol ay medyo nawalan sila ng komunikasyon ni Kris.

Ikinanerbyos tuloy ni Dindo ang nasagap niyang balita na mula sa limang tao.

Apat doon ay mga kaibigan niya mula sa press at isa galing sa kanyang tiyahin.

Ayon sa kumalat na balita: pumanaw na daw si Kris!

Thank God, nagkausap sila ni Kris who told him there was nothing to worry about.

Una munang ibinalita ni Dindo ang bad news tungkol kay Kris.

Tumaas daw kasi ang blood pressure nito: 172 over 112.

Bumaba din daw ang WBC o white blood cells nito to think na kamakailan nga lang ay galing si

Kris mula sa isang matagumpay na blood clot surgery.

Kris had to instruct her male staff Alvin to be brought to St. Luke’s Medical Center via ambulance.

Taliwas nga sa naunang balita, alive na alive si Kris!

“Kaya pa…,” paniniyak daw ni Kris kay Dindo na humanga sa katatagan nito, na siya nga raw itong maysakit ay nakukuha pang magbigay ng comforting words.

So there. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here