Home ENTERTAINMENT Kumpirmado: MC at Lassy, ‘di na mapapanood sa Showtime!

Kumpirmado: MC at Lassy, ‘di na mapapanood sa Showtime!

1
0

Manila, Philippines – Sinagot na din mismo ni Vice Ganda ang palaisipan kung bakit hindi na napapanood sa It’s Showtime sina MC at Lassy.

Sa nakaraang episode, idinaan muna sa roll call ang pagtawag sa mga hosts nito.

All were present maliban sa dalawang miyembro ng Beks Batallion.

Anunsyo ni Vice Ganda: “Hayaan n’yo na sila…hindi na sila mapapanood sa Showtime ever!”

Mas busy pa daw kasi sina MC at Lassy kesa sa co-host ding si Anne Curtis.

Kinumpirma din ito ng mismong taga-production.

Hindi naman daw exactly tsinugi ang dalawa, pero they were made to understand the consequences of their frequent absences.

Lagi daw kasing nagso-show sa abroad sina MC at Lassy–na unfair daw sa ibang hosts.

Hindi kasi makatanggap ng shows abroad ang ibang hosts dahil may daily show sila, ang Showtime nga.

In fairness, naunawaan naman daw nina MC at Lassy ang desisyon ng show.

Effective nitong Seprember ipinatupad ang nasabing desisyon.

In short, huwag nang hanapin sa Showtime sina MC at Lassy! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here